Naalimpungatan Kahulugan
Naalimpungatan kahulugan
Answer:
Kahulugan ng Naalimpungatan
Ang salitang naalimpungatan ay binubuo ng unlaping na-, hulaping -an at salitang ugat na alimpungat. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang pangyayari sa tao sa kanyang pagtulog.
Ang ibig sabihin ng naalimpungatan ay ang sandali sa isang tao kung saan siya ay nasa pagitan ng kanyang pagtulog at paggising. Ito ay ang biglaang paggising kung saan hindi lubos na gising ang diwa ng isang tao dahil sa malalim na pagkakatulog. Maaaring nagising lamang siya dahil sa ingay, sa panaginip o may gumising sa kanya. Kadalasan ang mga nangyayari sa sandaling oras na iyon ay hindi lubusang namamalayan ng tao. Hindi masyado naaalala o hindi talaga naaalala sa paggising nito.
Para sa iba pang malalalim na salita at kahulugan nito, alamin sa link:
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment