Bakit mahalaga ang ekinomiks Answer: Mahalaga ang ekonomiya dahil ito ang indikasyon ng kaunlaran ng isang lipunan o ng isang bayan. Ang mga nasasaklaw na pag-aaral sa ilalim ng ekonomiya ang maggagabay sa mga mamamayan kung paano gagastahin at gagamitin ang mayroon sila. Nasasakop din ng ekonomiya ang mga pagsusuri sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan sa isang tiyak na lugar. At dahil sa ekonomiya ay napag-aralang mabuti kung paano ireresolba o tutugunan ang mga suliranin kaugnay sa ekonomiya. Gaya ng inflation, unemployment rate, demand at supply ng mga produkto, ang mga problema sa importasyon at eksportasyon, paghina ng Philippine peso, pagtaas ng mag bilihing pangunahing pangangailangan, etc. etc. ... Samantala, kung ang ibig mong sabihin ay kaalaman sa ekonomiya o ekonomiks, basahin pa ang mga nakasulat sa ibaba: Narito ang mga kahalagahan ng ekonomiks o kahalagahan ng konsepto ng ekonomiks: 1. Nagiging matalas ang obserbasyon kaugnay sa pang...
Naalimpungatan kahulugan Answer: Kahulugan ng Naalimpungatan Ang salitang naalimpungatan ay binubuo ng unlaping na-, hulaping -an at salitang ugat na alimpungat . Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang pangyayari sa tao sa kanyang pagtulog . Ang ibig sabihin ng naalimpungatan ay ang sandali sa isang tao kung saan siya ay nasa pagitan ng kanyang pagtulog at paggising. Ito ay ang biglaang paggising kung saan hindi lubos na gising ang diwa ng isang tao d a h i l s a m a l a l i m n a p a g k a k a t u l o g . Maaaring nagising lamang siya dahil sa ingay, sa panaginip o may gumising sa kanya. Kadalasan ang mga nangyayari sa sandaling oras na iyon ay hindi lubusang namamalayan ng tao. Hindi masyado naaalala o hindi talaga naaalala sa paggising nito. Para sa iba pang malalalim na salita at kahulugan nito, alamin sa link: brainly.ph/question/2752020 #LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment