Bakit Mahalaga Ang Ekinomiks
Bakit mahalaga ang ekinomiks
Answer:
Mahalaga ang ekonomiya dahil ito ang indikasyon ng kaunlaran ng isang lipunan o ng isang bayan. Ang mga nasasaklaw na pag-aaral sa ilalim ng ekonomiya ang maggagabay sa mga mamamayan kung paano gagastahin at gagamitin ang mayroon sila. Nasasakop din ng ekonomiya ang mga pagsusuri sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan sa isang tiyak na lugar. At dahil sa ekonomiya ay napag-aralang mabuti kung paano ireresolba o tutugunan ang mga suliranin kaugnay sa ekonomiya. Gaya ng inflation, unemployment rate, demand at supply ng mga produkto, ang mga problema sa importasyon at eksportasyon, paghina ng Philippine peso, pagtaas ng mag bilihing pangunahing pangangailangan, etc. etc.
...
Samantala, kung ang ibig mong sabihin ay kaalaman sa ekonomiya o ekonomiks, basahin pa ang mga nakasulat sa ibaba:
Narito ang mga kahalagahan ng ekonomiks o kahalagahan ng konsepto ng ekonomiks:
1. Nagiging matalas ang obserbasyon kaugnay sa pangkabuhayang pag-unlad at nakakaunawa sa mag suliraning agrikultural at komersyal ng bansa
2. Karunungan sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa at batid ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling produkto
3. Praktikal na kaalamang pangkabuhayan
4. Natututunan ang kahalagahan ng pera at pag-iipon
5. Mahalagang pag-aralan ang ekonomiya at / o ekonomiks para matutunang magsumikap ang iba para hindi mapapabilang sa unemployed rate ng bansa
6. Mahalaga rin na pag-aralan ang ekonomiya at/ o ekonomiks para makapagsumikap at makatulong pa sa pag-unlad at pag-asenso ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng agrikultura at lokal na pagnenegosyo.
7. Kung batid ng isang indibidwal ang kaalaman sa ekonomiks o ekonomiya ng bansa, matututunan niyang umiikot lamang sa mga gawi at kilos ng isang tao ang lahat ng pangsustento sa mga mamamayan. Ang maging manggagawa o negosyante ay malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa dahil nakatutulong ang paggawa at pagpro-produce ng mga pangangailangan at kagustuhan sa pag-unlad ng isang bansa.
8. Dahil ang ekonomiks ay pag-alam sa limitasyon ng mga pangangailangan ng isang tao, ang isang kasapi ng pamilya ay dapat may kani-kaniyang ambag o kontribusyon sa tahanan hindi lamang para sa sarili niya kundi para sa kaniyang pamilya at sa maiimpluwensyaha niyang lipunan.
9. Nakatutulong sa pagba-budget ng allowance ang kaalaman sa konsepto ng ekonomiks lalo na kung mag-aaral pa lamang.
10. Dahil sa kaalaman sa ekonomiks at daloy ng pera sa bansa, nauunawaan dapat ng isang mamamayan kung bakit may mga mahihirap na tao. At dahil dito, dapat nagsusumikap ang isang mamamayan para mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang mga tao sa kanyang paligid. Napakalaking pag-aambag sa ekonomiya ang katalinuhan at karunungan sa ekonomiks para maging maganda ang distribusyon ng mga yaman sa lahat ng tao sa lipunan. Batid din dapat ng mga mamamayan na ang pagbabayad ng buwis ay kailangan dahil ito ang lifeblood o nagiging dugo ng pamahalaan para paglingkuran nang maayos ang lipunan ngunit dapat batid din ng mamamayan na kailangan niyang kumilos at lumaban para baguhin ang sistema ng pamahalaang nagiging korap at gahaman sa yaman ng bayan. Ang pagsugpo sa korapsyon, mga mangangamkam ng mga lupa, mga hindi makatarungang pagkontrol sa mga produktong pampubliko at pagtatago o paghohoard ay nararapat. Ang malawak na kaisipan ay may alam sa sosyalismo at dahil dito, nagiging hangad ng isang makataong mamamayan ang pantay at may hustisyang pagdi-distribute ng mga yaman sa bansa.
11. Ang lahat ay halos politikal. Ang bawat galaw at pati kalayaang maghayag ay politikal. At dahil politikal ang lahat, konektado sa ekonomiya ang lahat ng ating kilos. Dito ay natututunan ang koneksyon ng dalawa dahil ekonomiya ang nagpapaikot sa pagkonsumo at sa estado ng buhay ng mga mamamayan sa isang bansa. Naaapektuhan ng kaalaman sa ekonomiks ang politikal na perspektibo ng isang mamamayan lalo na 'yung mga bumoboto na pumipili ng mga pinuno na maglilingkod sa bayan. Nahahalata ng mga mamamayan kung sino lang ang may mga personal na agenda, sariling interes, at kung sino ang totoong inaalay ang sarili sa bansa dahil wala siyang conflict of interests, hindi kabilang sa pamilyang nasa political dynasty, at hindi pumapanig sa mga pinunong kilala na bilang mga korap na tao. Ang kaisipang ito ay lumalawak dahil sa mga kaalaman natin sa ekonomiks.
***********************
Mga link na may kaugnayan:
Kahalagahan ng lokasyon ng pilipinas sa ekonomiya at politika sa asya at mundo - brainly.ph/question/320633
Bakit itinuring na agham panlipunan ang ekonomiks? - brainly.ph/question/157076
Ano ang Kahulugan ng Ekonomiks - brainly.ph/question/302889
Kahalagahan ng lokasyon ng pilipinas sa ekonomiya at politika sa asya at mundo - brainly.ph/question/320633
Bakit itinuring na agham panlipunan ang ekonomiks? - brainly.ph/question/157076
Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/411574#readmore
Explanation:
Comments
Post a Comment