Ano Ang Pandiwang Paturol

Ano ang pandiwang paturol

Pandiwang paturol-ito ay pawang maga pandiwa na hindi lamang nagsasaad ng kilos kundi maging ang panahon kung kailan naganap o magaganap ang isang kilos.Ito rin ay nahahati sa apat na aspeto:

1.Perpektibo-nagsasaad na ang kilos ay naganap na o tapos na.

Hal.Kumuha ng pera si Justine sa bangko.

2.Imperpektibo-nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap.

Hal.Nagsusulat ang mga mag-aaral habang nagtuturo ang kanilang guro.

3.Kontemplatibo-nagsasaad na ang kilos ay magaganap pa lang.

Hal.Mag-eensayo kami ng aming sayaw pagkatapos ng klase.

4.Perpektibong Katatapos lang-nagsasaad na ang kilos ay katatapos lang.

-nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka+ pag-uulit ng unang panting ng salitang –ugat+salitang –ugat.

Hal.Kaiinom ko lang ng gamot.


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalaga Ang Ekinomiks

Ano Ang Kahalagahan Ng Ekonomiks,

K Means In Ekonomiks