Ano Ang Layunin Ng Panitikan

Ano ang layunin ng panitikan

Answer:"Panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan ng mga tao at isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaring magpalaya sa mga ideyang nagpupumiglas para makalaya o makawala. Isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan." – Zeus Salazar.

Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/767647#readmore

Explanation:

Narito ang mga naiisip kong mga layunin ng panitikan. Ito rin 'yung mga kahalagahan ng panitikan at / o kahalagahan ng pag aaral ng panitikan:

1. ang iba't ibang anyo ng panitikan ay para sa paglilibang, sa kasiyahan ng emosyon o damdamin, sa impormasyon, at sa edukasyon

2. ang iba't ibang halimbawa ng panitikan ay para matutunan ang gustong ipahayag ng may-akda

3. kahit na ano ang panitikan pa man para sa iyo o kahit ano-ano pa man ang uri ng panitikan na isusulat mo, ito ay para maipahayag ang sarili at para makilala ang kalinangan sa panitikan

4. ang layunin ng pag-aaral ng panitikan ay layunin ng pag aaral sa pananaliksik

5. para mabatid ang mga minanang kaisipan at mga taglay na katalinuhan at karunungan ng ating mga ninuno

6. para matalos na may marangal at dakilang tradisyon ang lahing pinagmulan

7. para ipamamana ang nagsisilbing gabay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnan

8. para mabatid ang mga kaisipan sa panitikan at makapagsanay para mas maiwasto ito.

9. para malaman ang mga kagalingan sa pagsulat at pagsikaping mapagbuti at mapaunlad pa ito

10. para mahalin ang kultura na dapat pag-aralan

Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.

Ang panitikan at sining ay parehas na mahalaga sa isang lahi at parehas na mahalaga para sa mundo. Ito ang repleksyon o salamin ng kaugalian, kultura at tradisyon ng mga tao.

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng ibat ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan sa buong mundo.

Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Ang kahalagahan ng panitikan lalo na kung ano ang panitikang Pilipino sa pag-aaral sa larangan na ito ay para makilala ang kalinangang Pilipino at para mabatid na rin ang mga minanang kaisipan at taglay na katalinuhan at karunungan ng ating ninunong lahi.

Ito rin ay upang mabatid ang mga kaisipan sa panitikan at makapagsanay para mas maiwasto ito habang nalalaman ang mga kagalingan sa pagsulat at pagsikaping mapagbuti at mapaunlad pa ito.

Read more on Brainly.ph - brainly.ph/question/767647#readmore


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalaga Ang Ekinomiks

K Means In Ekonomiks

Naalimpungatan Kahulugan